Archive for April, 2006

This Goddamned Blog is EVIL!

Sunday, April 9th, 2006

Blogs are usually for those people who have nothing better to do with their lives.

Welcome to the jungle.

Una sa lahat, ang blog na ito ay nabuo lamang sa dahilang walang magawa ang may-ari ng account na binabasa mo ngayon. Actually, ayoko sanang gumawa ng blog dahil tingin ko nagiging trend na lang ‘to. Tipong yung mga nababasang blog ko na lang ngayon ay yung mga walang kakwenta-kwentang kwento ng kung sinu-sinong tao tungkol sa kanilang asong si Bow-wow na nakipagrambulan sa kuting ng kapitbahay nila. Tipong yung nakikita ko eh pinamumugaran ng mga kikay girls ang blog community na puro make-up at gimiks lang ang alam ng utak para lang mabantugan silang "astig" kahit na sa totoong buhay eh kasing astig lag sila ng Pacencia biscuits. Dahil dun nagkaroon na ng masamang perception sa akin ang blog. Puro suck-ups na lang ang mga nakikita ko. At pare-pareho lang ang comments. Siyeeet. Diba nakakagago naman talaga?

Well, para sa kauna-unahang post ko, gagawin kong makabuluhan ito. Bakit hindi natin pag-usapan ang… uh… tilapia. Oo, tilapia. Yung isda. Mahigit apat na taon ko nang napapansin na ang ulam namin palagi dito sa bahay, lalo na pag gabi, ay tilapia. Ano bang meron sa isda na ‘to at lagi ‘tong binibili ng nanay ko? Siguro mura. Pero diba mas mura ang galunggong? Pero hindi ko nakikita na nag-uulam kami ng galunggong. Gasgas na ang lalamunan ko sa kakalamon ng tilapia. Tinutubuan na ako ng kaliskis. Hindi na ako natutuwa. Kapag gabi, kapag naririnig kong nagpriprito ang maid namin, pustahan, tilapia ang niluluto nya. Dahil dun nagkaroon na ako ng malaking di-pagkahilig sa tilapia.

Pero minsan, pag gabi, di ko maiwasang maisip na kung ilang tao ang naghahangad makatikim ng tilapia. Sigurado ako, maraming papatay para sa tilapia. Oo, lalo na yung mga nakatira sa underpass at sa sidewalk. Tapos naisip ko, yung ibang taong nakikita ko sa Makati, tuwang-tuwa silang nagsho-shopping sa Ayala habang lumalagok ng Starbucks Coffee. Tapos pag-uwi, hihingi pa yang mga yan ng dagdag sa allowance.

Nakakatuwa diba? Minsan naisip ko nga, paano kaya kung isang araw magakapalit-palit ng sitwasyon sa buhay ang mga tao? Yung mga mahihirap, magiging mayaman. Tapos yung mga mayayaman, magiging mahirap. Tapos yung mga trapo, susunugin sa impyerno. Yung mga garapal, babalatan ng buhay. Yung mga social climbers, lulunurin sa Niagra Falls.

Pero hindi naman natin hawak ang bawat opinyon ng tao. At walang magagawa ang mga tilapia kahit mag-people power pa sila. Mauuwi at mauuwi pa rin sila sa hapag-kainan namin.